*Cauayan City, Isabela*- Ipinasakamay na ng dating rebelde sa 84th Infantry (Victorious) Battalion ang M16 rifle na may kasamang isang magazine at 10 rounds ng 5.56 MM live ammunition.
Pag aamin ng dating rebelde na siya ay pinagkakatiwalaan ni Eleuterio Agmaliw alyas “Omeng”, Commanding Officer ng Komiteng Larangang Guerilla Sierra Madre ng Central Luzon na nasawi matapos manlaban sa mga awtoridad sa isang subdivision sa Novaliches, Quezon City noong Disyembre 19, 2019.
Kasabay ng direktiba ni Pangulong Duterte na wakasan ang insurhensiya sa bansa kaya’t pinaigting ng kasundaluhan ang kanilang kampanya at pakikipagtulungan sa mamamayan para masugpo ang insurhensiya sa bansa.
Sa dami ng bilang ng mga rebeldeng sumuko sa pamahalaan ito ay pagpapakita ng epektibong “Whole-of-Nation-Approach” sa kampanya laban sa terorismo.
Ayon kay Major General Lenard T. Agustin, Commander ng Army’s 7th Infantry Division, pinuri nito ang ginagawang hakbang ng tropa na nagreresulta sa pagsuko ng maraming bilang ng mga dating rebelde.
Sinabi naman ni 703rd Infantry Brigade Commander, Colonel Andrew D. Costelo na ang pagsuko ng mga rebelde ay pagpapakita ng matagumpay hindi lamang sa pamahalaan maging sa Pilipino para sa tuluyang matigil na ang karahasan.