Umabot sa dalawamput anim na dating rebelde at mga supporters ng mga ito ang nagbalik loob sa Pamahalaan sa Mabini, Pangasinan.
Ang mga ito nagmula sa liblib na lugar ng Barangay Barlo sa bayan.
Ayon kay Police Colonel Redrico Maranan, Provincial Director ng Pangasinan Police Provincial Office, na ang mga sumuko ay dating mga miembro ng revolutionary hukbong bayan na matagal na umanong nagbalik loob ngunit ngayon lang naging pormal ang pagbabalik loob.
Ito ay kasunod ng pagreach out ng tropa ng pamahalaan sa mga rebelde na sumuko na at magbalik loob sa gobyerno. Umabot naman ng apat na buwan ang isinagawang validation para sa pormal na pagbabalik loob ng mga dating miembro ng rebeldeng grupo.
Nagsimula umano ang negosasyon at validation sa pamamagitan ng inter agency approach ng AFP at PNP na nagsimula noong buwan ng Hulyo.
Samantala, kasabay ng kanilang pagsuko ay pinagkalooban sila ng tulong na scholarship program para sa anak ng mga sumukong rebelde, farm equipments na magagamit sa pagsasaka mula sa DOLE na magiging panimula at assistance mula sa DSWD.
Sa ngayon ay hinihikayat ng pulisya ang ilan pang mga rebelde na maaaring sumuko.
Nagpapatuloy din ang validation ng mga iba para sa susunod na programa.
Dating rebelde sa Pangasinan, nagbalik loob sa pamahalaan
Facebook Comments