Kusang loob na sumuko sa awtoridad sa Ilocos Norte ang dating kasapi ng rebeldeng grupo ng Communist Terrorist Group.
Nakilala ang dating rebeldeng lalaki na si alyas Aying, 38 anyos at magsasaka.
Inaasahan na sa kanyang pagsuko ay makikinabang siya sa mga programang pangkabuhayan, edukasyon at reintegrasyon ng pamahalaan laan para sa mga dating rebelde.
Samantala, bagamat insurgency free ang Ilocos Region, pinaiigting pa rin ang aksyon ukol sa kampanya laban sa insurhensya upang makamit ang kapayapaan, kaunlaran at pagkakaisa ng bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









