DATING REBELDE, TUMANGGAP NG HIGIT P2-M NA PABUYA

Cauayan City – Tumanggap ng kabuuang P2.3 Million ang isang dating rebelde bilang pabuya dahil sa ginawa nitong pagsuko ng mga malalakas na armas pandigma sa pamahalaan.

Kinilala ang tumanggap ng pabuya na si Ka Lipat, dating Deputy Secretary ng Regional Yunit Sentro (RYS) at Commanding Officer ng Komiteng Larangan Guerilla (KLG) Baggas sa ilalim ng Ilocos-Cordillera Regional Committee.

Ang natanggap nitong pabuya ay sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program, matapos nitong i-surrender sa pamahalaan ang 29 na high-powered firearms noong nakaraang taon.


Dumalo sa seremonya ang Brigade Commander ng 503rd Infantry Brigade na si Brigadier General Romualdo Raymund Landingin, kasama ang ilang kinatawan ng PNP, DILG, DSWD, TESDA, at iba pang ahensya.

Ayon kay Ka Lipat, gagamitin niya ang natanggap na pabuya bilang pantustos sa pag-aaral ng kanyang anak, at pagpapatayo ng tahanan, na sisimbulo sa kanyang payapa at bagong pamumuhay.

Facebook Comments