Dating Sangguniang Bayan Member ng Solana Cagayan, Patay sa Pamamaril!

Solana, Cagayan – Patay ang dating Sangguniang Bayan Member ng Solana, Cagayan matapos pagbabarilin sa Tuguegarao City Kahapon.

Batay sa impormasyong nakalap ng RMN Cauayan, ang biktima ay kinilalang si June Cusipag, 44 taong gulang, nakapag tapos ng Bachelor of Laws, may asawa at naninirahan sa Pallua Sur Tuguegarao City Cagayan.

Naganap ang naturang pagpatay kay June Cusipag, bandang als nuebe ng umaga kahapon kung saan ang mga suspek ay nakitang nakasuot ng hooded jacket na agarang tumakas matapos pagbabarilin ang biktima, lulan ng Toyota Fortuner patungo sa direksyon ng Brgy. Tanza, Tuguegarao City, Cagayan.


Patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng mga otoridad upang mabigyan ng katarungan ang pagkamatay sa dating SB Member.

Facebook Comments