Manila, Philippines – Tumangging magbigay ng komento si dating Supreme Court (SC) Chief Justice Reynato Puno sa kinakaharap na Impeachment case ni SC Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay dating punong mahistrado Puno, hindi siya maaaring magbigay ng komento o reaction dahil sa malalabag ang Sub’Judicy rule.
Paliwanag ni Puno, dapat maliwanagan muna kung ang Impeachment case ay Political in Character o kaya Quasi Political.
Aniya, kung Political in Character ng Impeachment case gaya ng sinasabi ni Chief Justice Sereno at malalabag ang kanyang karapatan ay hindi siya maaring makapaghahain ng apela sa Korte Suprema.
Giit ni Puno na dapat din malinawan kung ang Kongreso ay mananagot sa mamamayan sa pagsusulong sa kasong Impeachment laban kay Sereno.