Dating Secretary Bong Go, nagpaabot ng pasasalamat sa mga sumuporta sa kanyang kandidatura

Nagpaabot ng malugod ng pasasalamat si dating Special Assistant to the President Bong Go sa publiko sa ibinigay na pagtitiwala sa aniya’y isang probinsiyanong tulad niya.

 

Batay sa huling resulta na inilabas ng Commission on Election sa bilangan sa nakaraang halalan ay nasa pangatlong puwesto si Go sa 12 senador na ihahalal.

 

Ayon kay Go, hindi niya matutumbasan ng anomang salita ang kanyang pasasalamat sa mamamayan sa pagtitiwala sa kanya na isang simpleng tao lamang na ang pangarap ay makapag silbi ng lubos sa mamamayan.


 

Pinasalamatan din ni Go ang lahat ng kanyang mga supporters lalo na sa mga nagboluntaryo at nakasama niya sa kampanya at naging kaisa sa mga sakripisyo makapagiwan lamang ng ngiti sa  publiko.

 

Nagpaabot din ng Pasasalamat si Go sa mga pulis, militar, sa mga guro at sa Commission on Elections na nagtulong-tulong para magkaroon ng isang matapat, maayos at tahimik na halalan.

 

Pinasalamatan din ni Go si Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang pamilya dahil tumayo aniya ang Pangulo bilang pangalawa niyang ama at guro kung saan natutunan niya ang tunay na pagsisilbi o ang Tatak Duterte kung saan naging malawak aniya ang kanyang pananaw sa buhay at naging malalim ang pagunawa sa tunay na pangangailangan ng mamamayan.

 

Nangako din naman si Go sa  na itutuloy niya ang pagbabago at ang serbisyong tatak Duterte para sa mga Pilipino.

 

At dahil tapos na ang halalan ay panahon na aniya para magkaisa para simulan ang mga mas mahahalagang gawain tulad ng pagsusulong ng pagunlad ng bansa.

 

Binigyang diin din naman ni Go na wala silang hangarin kundi kabutihan ng bawat Pilipino sa pamamatigan ng pagbibigay ng mabilis, maayos at maaasahang serbisyo mula sa gobyernong nagmamalasakit sa tao.

Facebook Comments