Manila, Philippines – Kasama na si dating Secretary Mar Roxas sa mga susunod na papaharapin sa imbestigasyon ng Senate Committee on Public Services kaugnay sa mga aberya sa operasyon ng Metro Rail Transit o MRT line 3.
Ito ay makaraang mabanggit ni dating MRT 3 General Manager Al Vitangcol na tila pinabayaan ni Roxas bilang dating kalihim ng Department of Transportation na maglapse ang kontrata ng Sumitomo na dating maintenance provider ng MRT.
Ayon kay Vitangcol, buwan ng Mayo 2012 ay lumiham pa siya kay Roxas para ipaalala na mapapaso na ang extension ng kontra ng Sumitomo sa buwan ng Oktubre pero hindi ito umaksyon.
Sinabi pa ni Vitangcol inirekomenda niya na 5 years dapat ang maiseselyong kontrata sa maintenance provider pero hindi ito ang nangyari.
Sabi ni Senator Poe, lumalabas sa pagdinig na sa termino ni Roxas bilang DOTr secretary nagsimulang magkaproblema sa maintenance ng operasyon ng MRT kaya naniniwala siya na nanaisin din ni Roxas na maipaliwanag ang kanyang panig.
Papadalhan naman ng subpoena ang isang Marlo Dela Cruz na sinasabing konektado sa Liberal Party o LP at palaging involve sa mga maintenance provider na kinuha ng DOTr simula noong panahon ni Roxas haggang kay dating DOTr Secretary Joseph Emilio Abaya.
DZXL558