Dating secretary ni Junjun Binay, sugatan sa pamamaril

Sugatan ang dating secretary ni Makati Mayor Junjun Binay matapos pagbabarilin.

Nagpapagaling na sa Makati Medical Center ang biktimang si Monaliza Bernardo na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanang kamay na tumagos sa kaniyang tiyan.

Ayon sa Makati City police, galing si Bernardo sa trabaho at papasok na sa kanyang bahay nang pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng motorsiklo.


Matapos ang pamamaril, agad na tumakas ang suspek patungong South Avenue at kumaliwa pa-Barasoain Street.

Narekober naman sa crime scene ang basyo ng bala ng kalibre .45 na baril.

Patuloy na iniimbestigahan ang motibo sa krimen at inaalam ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Facebook Comments