Dating Secretary Of State At Democratic Candidate Hillary Clinton, Handang Makipagtulungan Sa Bagong Halal Na Pangulo Ng

2

UNITED STATES – Tiniyak ni dating Secretary of State at Democratic candidate Hillary Clinton na makikipagtulungan siya kay US President Elect Donald Trump.Sa pagharap niya sa kanyang mga kapartido at taga-suporta, sinabi ni Clinton na umaasa siyang magiging matagumpay si Trump sa kanyang pamamahala.Kinumpirma din ni Clinton na tinawagan niya si Trump para batiin sa kanyang pagkakapanalo.Humingi rin ng sorry si Clinton sa kanyang supporters dahil sa kanilang kabiguan sa nagdaang eleksyon.Sa kabila nito, sinabi ni Clinton na isang malaking karangalan na maging kandidato ng Democratic party.Nagpasalamat din si Clinton sa kanyang mga kapartido at taga-suporta gayundin sina US President Barack Obama at first Lady Michelle Obama at ang kanyang pamilya.

Facebook Comments