Manila, Philippines – Hindi alam ng Palasyo ng Malacañang kung magkakaroon pa ng posisyon si Atty. Perfecto Yasay sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang sinabi ng Malacañang matapos i-reject ng Commission on Appointments ang nominasyon ni Yasay bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Kanina ay itinalaga ni Pangulong Duterte si Foreign Affairs Undersecretary Enrique Manalo bilang Acting Secretary o officer in Charge sa DFA.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi pa napag-uusapan kung maililipat lamang si Yasay ng ibang posisyon sa gobyerno.
Binigyang diin ni Abella na prerogatibo ni Pangulong Duterte kung ano ang gagawin kay Yasay.
Facebook Comments