Dating Sen. Antonio Trillanes, muling humarap sa pagdinig ng DOJ sa kasong kidnapping at serious illegal detention

Muling sumalang si dating Senador Antonio Trillanes sa pagdinig ng DOJ sa reklamong kidnapping at serious illegal detention na isinampa ng isang negosyante mula sa Davao.

Sa ikalawang pagkakataon, muling nagkaharap sa hearing sa DOJ sina Trillanes at ang nagrereklamong si Ginang Guillermina Barrido.

Nagsumite si Trillanes ng kanyang counter-affidavit gayundin ang kanyang kapwa-respondent na si Atty. Jude Sabio.


Binigyan naman ng DOJ si Father Albert Alejo ng hanggang bukas para makapagsumite ng kanyang kontra-salaysay.

Matapos ito ay submitted for resolution na ang kaso.

Batay sa reklamo ni Barrido, Nangyari ang krimen noong December 9 hanggang 21 ng taong 2016 kung saan trinato aniya siyang parang bilanggo nina Fr. Alejo, Sabio at Trillanes sa kumbento ng Cannussian Sisters sa Makati City at Holy Spirit Convent sa Quezon City.

Facebook Comments