Dating Sen. Bongbong Marcos, itutuloy ang Election Protest kahit umabot pa ng 2022 elections

Desidido si dating Sen. Bongbong Marcos na ipaglaban ang kanyang Electoral Protest kahit abutin na ng susunod na eleksyon sa 2022.

Aminado si Atty. Vic Rodriguez, Abogado ni Marcos, hindi nila kakampi ang oras sa kanilang laban para patunayang dinaya siya sa 2016 Vice Presidential Race.

Batid nilang mahaba ang proseso ang pagdaraanan ng kanilang poll protest at tiyak na lalagpas ito sa 2020 Elections lalo na kung magdedesisyon ang Presidential Electoral Tribunal na ituloy ang recount sa natitirang 24 na probinsya at siyudad na pinaniniwalaan nilang nagkaroon ng dayaan.


Bagamat ayaw nang pumatol ni Robredo, pinalagan niya ang hirit ng kampo ni Marcos na magbayad siya ng bahagi ng gastusin sa Electoral Protest.

Sa ngayon, ang pag-asa ng kampo ni Marcos para mapabilis ang pagresolba sa protesta ay ang ikatlong cause of action o ang pagbasura sa resulta ng botohan sa Lanao Del Sur, Basilan at Maguindanao.

Facebook Comments