Dating Sen. Bongbong Marcos, tumangging dumalo sa KBP presidential forum

Hindi makadadalo sa “Panata sa Bayan: The Presidential Candidates Forum” ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na isasagawa sa bukas, ika-4 ng Pebrero.

Ayon kay KBP President Herman Basbaño, nagpadala ng sulat ang kampo ni Marcos na nagsasaad na hindi ito makakadalo dahil sa kanilang schedule.

Aniya, nirerespeto naman nila ang desisyon ni Marcos.


Ang lima sa anim na tumanggap ng imbitasyon ng KBP ay sina Ka Leody de Guzman; Sen. Panfilo “Ping” Lacson; Sen. Manny Pacquiao; Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice President Leni Robredo.

Samantala, sinabi ni Atty. Vic Rodriguez, Tagapagsalita at Chief of Staff ni Marcos na gusto sana nilang makapunta sa forum ng KBP dahil sa ilang mahahalagang iskedyul na hindi nila maaaring atrasan.

Umaasa anila sila na makakalahok si Marcos sa mga kaparehong aktibidad ng KBP sa hinaharap.

Facebook Comments