Ililipat ng pasilidad ng Philippine National Police (PNP) si dating Senador Leila de Lima para sa kanyang kapanatagan.
Ito ay matapos ang tangkang pagtakas ng tatlong person under police custody na nauwi sa tangkang pang-ho-hostage sa kanya sa loob mismo ng PNP Custodial Center sa Camp Crame kahapon.
Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., hinihintay na lamang nilang maayos ang paglilipatang pasilidad kay De Lima para makabalik na ito sa Custodial Center.
Pansamantalang namamalagi ang dating mambabatas sa PNP General Hospital para ma-monitor ang kanyang kondisyon bagama’t hindi nagtamo ng sugat sa insidente.
Una nang tinanggihan ng senadora ang alok ng PNP maging ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na lumipat ng ibang detention facility sa katwirang ligtas naman sya sa custodial center ng PNP.