Manila, Philippines – Makalipas ang tatlong taon mula nang kasuhan ng plunder ay pansamantala ng makakalaya ang dating Senador na si Jinggoy Estrada.
Ngayong araw kasi inaasahang makakalaya ang Senador kapalit ng 1.3 milion pesos na piyansa matapos mabigong maibigay ito kahapon sa Sandiganbayan 5th Division.
Matatandaang nasangkot ang Senador sa Priority Development Assistance fund scam matapos umano tumanggap ng daang milyong pisong kickback mula sa non-governmental organization ng tinaguriang pork barrel queen na si Janet Lim Napoles.
Si Estrada ay namalagi sa Philippine National Police o PNP Detention facility kasama ang kapwa Senador na si Bong Revilla Jr. Na tinuturo ring kabilang sa PDAF scam.
Facebook Comments