Dating Sen. Jinggoy Estrada, naghain ng mosyon sa Sandiganbayan para payagang makasama ang amang si Manila Mayor Joseph Estrada sa pagpapagamot

Manila, Philippines – Naghain ng mosyon si dating Senador Jinggoy Estrada para payagan ng Sandiganbayan na lumabas ng bansa at samahan ang ama na magpagamot.
Sa tatlong pahinang mosyon na isinumite sa Sandiganbayan fifth division, humingi ng permiso si Estrada na makapunta sa singapore simula November 11 hanggang 20.
Ayon kay Jinggoy nais niyang samahan si Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada na sasailalim sa isang medical procedure para sa kanyang sakit sa likod.
Kasama sa mosyon ang kopya ng liham na may petsang october 26 mula kay Dr. Regina Bagsic ng Cardinal Santos Medical Center na nagpapatunay sa kinakailangang magpagamot agad ng alkalde kung saan mayroon itong schedule sa Singapore brain-spine nerves center ng mount Elizabeth Hospital.

Facebook Comments