Dating Sen. Jinggoy Estrada, pinayagang makadalo sa kaarawan ng amang si Mayor Erap Estrada

39

Manila, Philippines – Pinayagan ng Sandiganbayan 5thdivision ang mosyong inihain ni dating Sen. Jinggoy Estrada para makadalo itosa 80th birthday ng amang si dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor JosephEstrada.
  Sa mosyon na inihain ng dating Senador ay nais nitongtumulong sa pag-organize ng kaarawan ng ama mula April 18 hanggang sa kaarawannito sa April 19.
  Pinagbigyan naman ng Sandiganbayan ang hiling na ito inEstrada alinsunod na rin sa customs and tradition ng pamilyang Pilipino atpagbibigay respeto sa mga nakakatanda.
  Pinapayagan lamang ng korte si Estrada na makalabas ngdetensyon mula alas singko ng hapon hanggang alas onse ng gabi ng April 19.
  Sagot din ni Estrada ang gastos at sa seguridad nito sapaglabas ng kulungan.
  Hindi naman pinapayagan ang anumang paggamit ng gadgetsat media interviews sa Senador.
   

Facebook Comments