Dating Sen. Miriam Santiago, Nailibing Na – Senadora, Tinawag Ng Isang Obispo Na Prinsesa Sa Puso Ng Mga Pinoy

11

MANILA – Nailibing na si dating Sen. Miriam Defensor-Santiago, kahapon ng hapon.At hanggang sa huling sandali, pagpupugay at pasasalamat pa rin ang ipina-abot sa “iron lady” ng Asya.Sa huling misa na inihanda para sa yumaong senadora, tinawag ni Bishop Teodoro Bacani na “prinsesa” sa puso ng mga pilipino si Santiago.At sa gitna ng pagdadalamhati, nanatili namang matatag ang kabiyak ng dating senadora na si Atty. Jun Santiago… habang ang naka-babatang kapatid naman ni Sen. Santiago na si Dra. Leni Defensor ang nagpa-abot ng pasasalamat sa lahat ng mga nakiramay.Mula Cubao ay bumiyahe ang convoy papuntang loyola memorial park sa Marikina kung saan binigyan siya ng arrival honors ng Philippine National Police.At bago ang huling pagbabasbas, ginawaran din si MDS ng departure rites at 21 gun salute.

Facebook Comments