Dating Sen. Revilla, nakalabas na ng ospital

Manila, Philippines – Nakalabas na ng ospital si dating Senador Bong Revilla matapos ma-confine noong Martes dahil sa alta presyon.

Mula St. Luke’s Global City sa Taguig ay nakabalik na sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa kampo krame ang dating senador.

Nabatid na hindi nakasipot si Revilla sa unang pagdinig ng kinakaharap niyang kasong plunder sa sandiganbayan noong Huwebes.


Ang mga trial sa kasong plunder ni Revilla ay gagawin ng Sandiganbayan linggo-linggo tuwing araw ng Huwebes.

Facebook Comments