
Nasa Sandiganbayan na si dating Sen. Bong Revilla para sa return of warrant.
Ito’y matapos maglabas ng warrant of arrest at hold departure order laban sa kaniya kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects.
Matatandaan na boluntaryong sumuko ang dating senador sa mismong tanggapan ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame.
Kasama niyang dumating sa Sandiganbayan ang kaniyang misis na si Cavite 2nd District Cong. Lani Mercado at si Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla.
Una nang inihayag ni Remulla na anim mula sa pitong akusado sa malversation case Sandiganbayan dahil sa P92.8-million na umano’y ghost project sa Bulacan ang naaresto na.
Bukod kay Revilla na kusang sumuko, kabilang sa mga inarestong akusado mg NBI ay ang mga opisyal ng Bulacan 1st District Engineering Office (DEO) na sina Brice Ericson Hernandez, Jaypee Mendoza, Arjay Domasig at Juanito Mendozawho habang si Bulacan 1st DEO official Christina Mae Pineda ay nadakip ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Patuloy naman pinaghahanap pa si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) materials Engineer Emelita Capistrano.
Ang mga supporters naman ng dating senador ay nasa labas ng Sandiganbayan kung saan muli nilang iginigiit na walang kasalanan si Revilla at naniniwalang inosente ito sa mga ibinabatong paratang.










