Dating Senador at AFP Chief of Staff Rodolfo Biazon, naihatid na sa kanyang huling hantungan

Naihatid na nga sa huling hantungan ang labi ni dating Senador at Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Rodolfo Biazon saktong alas-11:58 ng tanghali ngayong araw, June 20.

Bandang alas-11:00 nang isinakay ng pall bearers sa karwahe ang labi at iniikot sa ilang ruta sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Dinaluhan ng mga malalaking personalidad ang libing ng dating kongresista.


Bilang parte ng military services, nagkaroon ng 19-gun salute for arrival honors, at 3 volley of fires o 21 round of riffle salute ng mga honor guard ng Philippine Army, Air Force at Marines matapos ilibing ang senador.

Facebook Comments