Dating Senador Bong Bong Marcos, binayaran na ang election protest sa PET

Manila, Philippines – Nabayaran na ni dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos ang kabuuang halaga na kinakailangan para i-retrieve ang mga ballot boxes at election documents na kanyang ipinoprotesta laban kay Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Atty. George Garcia, isa sa legal counsel ni Marcos, kabuuang P30M ang kanilang ibinayad sa SC Cash Collection and Disbursement Division nuong Lunes.

Sinabi pa ni Garcia, tumulong ang mga kaibigan ni Marcos para makumpleto ang naturang halaga.


Ibinenta pa aniya ni Bongbong ang kanyang condo unit para mabayaran ang natitirang P30M na election protest fee.

Matatandaan noong April 17, nabayaran na ni BBM ang P36M.

Sa kabuuan P66.02M ang hinihingi ng SC na umuupo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET) para umusad ang kanyang election protest laban sa Bise Presidente.

Umaabot sa 39,221 clustered precincts na binubuo ng 132,446 precincts ang pinoprotesta ni Marcos habang sakop naman ng counter-protest ni VP Leni ang 8,042 clustered precincts na binubuo ng 31,278 precincts.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments