Monday, February 9, 2026

Dating Senador Bong Revilla, hindi nagpasok ng plea sa arraignment sa Sandiganbayan Fourth Division

Hindi naghain ng plea si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. para sa kaso nitong graft kaugnay sa P92.8 million na ghost flood control project sa Pandi, Bulacan para sa isinagawang arraignment o pagbasa ng sakdal sa Sandiganbayan Fourth Division.

Dahil ito sa kasalukuyang mosyon na inihan ng kampo ni Revilla na motion to quash information.

Dahil dito, naghain ng not guilty plea ang korte upang umusad ang kaso ng dating senador at kapwa-akusado nito.

Samantala, naghain naman ng ‘not guilty plea’ ang dalawa pang DPWH-Bulacan First District Engineering Office (DEO) na sina Engineer RJ Domasig at Account Juanito Mendoza.

Facebook Comments