Friday, January 23, 2026

Dating senador Bong Revilla Jr. at anim pang akusado sa ghost flood control project sa Pandi, Bulacan, haharap sa Sandiganbayan ngayong araw

Inaasahang haharap ngayong araw sa Sandiganbayan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. at anim pang kapwa-akusado mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan para sa pre-trial at arraignment.

Kaugnay ito ng kasong malversation of public funds through falsification of public documents na isinampa laban sa kanila dahil sa umano’y ₱92.8 milyong ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.

Inaasahan ding ilalatag ngayong araw ng kampo ni Revilla ang kanilang mosyon na mailipat ang dating senador mula sa BJMP New Quezon City Jail sa Payatas patungo sa custodial facility ng Philippine National Police (PNP), kung saan siya kasalukuyang nakakulong.

Samantala, pinaghahandaan na ng Sandiganbayan Third Division ang pagbasa ng sakdal laban kay Revilla at sa iba pang akusado. Batay sa impormasyon mula sa korte, nagdagdag ng mga upuan sa loob ng courtroom—mula 60 ay ginawang 100—dahil sa inaasahang dami ng dadalo sa arraignment.

Magpapatupad din ng mahigpit na seguridad sa loob at labas ng Sandiganbayan. Bukod sa sariling security personnel ng korte, mag-aaugment din ng mga tauhan mula sa Quezon City Police District (QCPD).

Nakatakdang magsimula ang arraignment at pre-trial alas-8:30 ng umaga sa Third Division Court ng Sandiganbayan.

Facebook Comments