Dating Senador Bongbong Marcos, iginiit na walang kinalaman sa kumalat na emergency text alert

“Nagsimula na ang bakbakan.”

Ito ang pahayag ni dating Senador Bongbong Marcos kasunod ng kumalat na emergency text alerts sa filing venue kahapon na nagpo-promote ng kanyang pagtakbo sa pagkapangulo.

Pero paglilinaw niya, wala siyang kinalaman dito.


Aniya, naghihintay din siya ng resulta ng imbestigasyon ng National Telecommunications Commission (NTC).

Una nang sinabi ng kampo ni Marcos na hindi galing sa kanila ang emergency alert at posibleng parte ito ng demolition job laban kay BBM.

Facebook Comments