Dating Senador Bongbong Marcos, nagbayad na ng P36 milyong deposito para sa kaniyang election protest

Manila, Philippines – Nagbayad na ng P36.02 million si dating Sen.Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Supreme Court (SC) bilang bayad sa kaniyangelectoral protest laban kay Vice President Leni Robredo.
 
Ayon kay Marcos, umaasa siyang uusad na ang pagdinig ng PresidentialElectoral Tribunal (PET) lalo’t mag-iisang taon na matapos ang 2016 election.
 
Ang nasabing halaga ay gagamitin sa retrieval process sa contestedballot boxes at election documents sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
 
Bukod sa protest fee, isinumite rin ni Marcos ang sulat kung saannakapirma ang kaniyang mga kaibigan na nakalikom ng ipinambayad sa PET.
 
Pero sa kabila nito, sinabi ni Marcos na maghahain pa rin sila ngmotion for reconsideration sa PET para baguhin ang kabuuang kabayaran sarecount.
 
Kasabay nito, humiling sa korte ang kampo ni Robredo na hindi munasila magbabayad ng P15.4 milyon na protest fee hangga’t hindi nila nakikita namay basehan ang protesta ni Marcos.
 
Giit ni Atty. Romulo Amcalintal, abugado ni Robredo, na P185 milyondapat ang bayaran ni Marcos para sa hiling nitong recount.
 
 

Facebook Comments