Dating Senador Jinggoy Estrada at Janet Lim Napoles, pinayagang maghain ng ‘demurrer to evidence’

Pinayagan ng Sandiganbayan sina dating senador Jinggoy Estrada at Janet Lim Napoles na makapaghain ng mosyon para ibasura ang kanilang kasong plunder.

 

Kaugnay ito ng P10-billion pork barrel fund scam.

 

Sa resolusyong inilabas ng Sandiganbayan 5th division, binigyan sila ng sampung araw para makapaghain ng ‘demurrer to evidence’.


 

Ibig sabihin, may pagkakataon silang hamunin ang ebidensya ng prosekusyon at malaman kung sufficient ba ito para madiin sila sa kaso.

 

Samantala, binigyan din ang prosekusyon ng sampung araw para makapagsumite ng kanilang komento.

 

Ang resoulusyon ay pirmado nina Division Chairperson Associate Justices Rafael Lagos and Associate Justices Maria Theresa Mendoza Arcega at Maryann Corpus Manalac.

Facebook Comments