Dating Senador Jinggoy Estrada, pinayagang makasama ang amang si Mayor Erap Estrada na magpagamot sa Singapore

Manila, Philippines – Pinayagan ng Sandiganbayan si dating Senador Jinggoy Estrada na samahan ang kaniyang ama na si Manila Mayor Joseph Estrada sa sampung araw na medical trip sa Singapore.

Sa resolusyon ng fifth Division ng Anti-graft Court, sinabing ang “Right to travel” ay isang “Constitutional Right”.

Naglatag naman ng kondisyon ang korte sa pagpayag nitong maka-biyahe si Estrada kung saan ayon sa Sandiganbayan sa Singapore lamang maaring pumunta ang dating senador.


Inatasan din si Estrada na maglagak ng travel bond na nagkakahalaga ng P2.6 million para sa kaniyang biyahe ngayong araw hanggang sa November 20.

Matatandaan na nahaharap sa kasong plunder sa Sandiganbayan ang dating senador.

Facebook Comments