Dating Senador Jinggoy Estrada, walang balak gumanti sa mga nagpakulong sa kanya

Manila, Philippines – Walang balak gumanti si dating Sen. Jinggoy Estrada sa mga nagpakulong sa kanya.

Ayon kay Estrada, sa tatlong taon niya sa Philippine National Police Custodial Center natutunan niyang maging mapagpakumbaba, maging mas matatag at mas malapit sa diyos.

Kaya na rin aniya niyang patawarin si noo’y Justice Sec. Leila de Lima na naghain ng reklamo laban sa kanya.


Pero sa kabila nito aniya, hindi naman niya kayang makalimot.

Hindi naman naiwasang magpasaring ni Estrada sa Ombudsman dahil sa aniya’y selective justice nito.

Ang tinutukoy ni Estrada ay ang sinapit nila ni dating Senador Juan Ponce Enrile at Ramon “Bong” Revilla na pawang mga taga-oposisyon noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Facebook Comments