𝗗𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗔𝗗𝗢𝗥 𝗟𝗘𝗜𝗟𝗔 𝗗𝗘 𝗟𝗜𝗠𝗔, 𝗔𝗚𝗔𝗗 𝗡𝗔 𝗕𝗨𝗠𝗜𝗦𝗜𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗜𝗡𝗢𝗥 𝗕𝗔𝗦𝗜𝗟𝗜𝗖𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚

Hindi pinalampas ni dating Senador Leila de Lima ang pagkakataon na mabisita ang pamosong Minor Basilica ng bayan ng Manaoag.
Kahapon nang dumating sa nasabing Simbahan ang dating mambabatas at aniya magpapasalamat lamang ito sa Minor Basilica of our Lady of Manaoag na matagal na umano nitong plinano.
Bagamat hindi na din ito nagpaunlak ng mga panayam paulit – ulit lamang nitong sinasabi na siya ay nagtungo ng bayan ng Manaoag partikular sa Minor Basilica upang personal na magpasalamat dahil sa wakas ay napag bigyan na itong makapag piyansa.

Ayon sa impormasyon na nakalap na IFM Dagupan kay Manaoag Mayor Doc Ming Rosario hindi rin nagtagal ang dating mambabatas sa simbahan at umalis din kaagad pagkatapos magdasal ng kanyang pasasalamat sa mismong simbahan.
Si Former Senator Leila de Lima ay pansamantalang nakalaya noong lunes matapos payagan ng Muntinlupa RTC na makapag piyansa matapos nakulong ng halos pitong taon sa Camp Crame. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments