Dating Senador Leila De Lima, makakalaya na matapos payagan ng korte na makapagpiyansa

Kinatigan ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 ang kahilingan ni dating Senadora Leila De Lima na makapagpiyansa.

Ito ang kinumpirma ng abogado ng dating senadora na si Atty. Boni Tacardon.

Bunga nito, matapos ang mahigit anim na taong pagkakakulong ay makakalaya na si De Lima.


May kaugnayan ito sa kanyang natitirang ikatlo at huling kaso may kinalaman sa iligal na droga.

Naghiyawan naman sa labas ng korte ang mga tagasuporta ni De Lima bilang pagdiwang sa naging desisyon ng korte.

Facebook Comments