Dating Senador De Lima, nagpaabot ng pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanya kaugnay sa pag-abswelto sa kinaharap na mga kaso

Answered prayer, ‘yan ang nasabi ni dating Senador Leila de Lima matapos siyang i-absuwelto ng korte sa Muntinlupa ngayong araw sa isa sa kanyang dalawang natitirang kaso sa pagtanggap ng drug money.

Ayon sa legal counsel ni De Lima na si Atty. Filibon Tacardon, kasunod ng promulgation ng kaso sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 204 “acquitted,” at naluha-luha ang dating senador matapos ang desisyon ng korte ukol sa kanyang kaso.

Matatandaan na nakakulong si De Lima sa Camp Crame mula noong Pebrero 2017, ay inakusahan ng nakinabang pinansyal mula sa umano’y iligal na kalakalan ng droga sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa kanyang panunungkulan bilang Justice secretary upang suportahan ang kanyang senatorial bid noong 2016.


Samantala, ang natitirang kaso ni De Lima ay nakabinbin sa Muntinlupa RTC Branch 256, kung saan siya ay naghahangad na makapagpiyansa at naghihintay ng desisyon ng korte.

Facebook Comments