Dating senador na si Rene Saguisag, pumanaw na sa edad na 84

Pumanaw na si dating senador at human rights lawyer na si Rene Saguisag sa edad na 84.

Ito ang inanunsyo ng kanyang anak na si Makati Councilor Rebo Saguisag.

Si Saguisag ay nahalal na senador noong 1987 hanggang 1992.


Naglingkod din siya bilang chairman ng Senate Committee on Ethics and Privilege at Ad Coc Committee sa Bataan Nuclear power plant.

Samantala, nakikiisa naman si Senate President Juan Miguel Zubiri sa pagluluksa sa pagpanaw ni Saguisag.

Ayon kay Zubiri, si Saguisag ay isang taong may tunay na dangal, dignidad, at integridad na nagtaguyod ng katarungan para sa bawat Pilipino, sa pamamagitan ng kaniyang Free Legal Assistance Group.

Facebook Comments