MANILA – Kinatigan ng Sandiganbayan first division ang urgent motion ng kampo ni dating Senador Bong Revilla Jr. na payagan itong manatili sa st.Lukes Medical Center.Matatandaang si Revilla ay isinugod sa pagamutan umaga ng sabado dahil sa matinding sakit ng ulo, pagsusuka, at high blood pressure.Ayon sa Sandiganbayan first division, for humanitarian consideration ay pinayagan ang mosyon.Sa pinakahuling medical bulletin na ipinalabas ng St.Lukes Medical Center, na-diagnose si Revilla ng acute migraine headache, tenosynovitis of the right arm, reactive hypertension at esophagitis at non-erosive gastritis.Maaari na rin ma-discharge ang dating senador ngayong araw o bukas, depende kung wala na itong mararamdamang mangangailangan ng agarang aksyong medikal.Si Revilla ay nahaharap sa kasong plunder dahil sa pagkakasangkot sa pork barrel scam.
Dating Senador Ramon “Bong” Revilla , Pinayagan Ng Sandiganbayan Na Manatili Muna Sa Ospital
Facebook Comments