Dating Senador Ramon Revilla Jr., muling humiling ng furlough para makabalik sa kanyang dentista

Manila, Philippines – Muling humiling ng furlough si dating Senador Ramon Revilla Jr. sa Sandiganbayan para makabalik sa kanyang dentista.

Base sa mosyon ni Revilla, nais niyang sumailalim sa dental check-up restoration of cavities sa Gan Advanced Osseo Integration Center sa Makati City sa August 25 ng alas-dos ng hapon.

Kinakailangan kasi aniyang makumpleto ang 2nd stage ng kanyang implant surgery, post-operation checkup, implant impression, trial implant coping, trial unglazed at permanent installation.


Si Revilla ay nakakulong sa philippine National Police Custodial Center dahil sa P224.5 milyong kickback mula sa kanyang pork barrel scam.

Facebook Comments