Kinumpirma ni Malabon City Mayor Antolin “Lenlen” Oreta ang pagpanaw ng kaniyang ina na si dating senador Tessie Aquino-Oreta.
Sa Facebook post ng alkalde, sinabi niyang binawian ng buhay ang mambabatas bandang 10:48 ng gabi nitong Huwebes, Mayo 14. Siya ay 75 taong gulang.
“Former Senator Tessie Aquino-Oreta was a public servant who devoted her life to the country and her adopted hometown of Malabon,” saad ni Mayor Oreta.
Inilarawan din ng opisyal ang dating senador na isang mapagmahal na ina, asawa, lola, at kaibigan.
Kasunod nito, humiling ang naulilang pamilya ng panalangin sa pagpanaw ng public servant.
“Mananatiling buhay magpakailanman ang mga achievements at makabuluhang ambag mo sa kasaysayan — hindi lang sa Malabon kundi sa buong bansa,” anang alkalde.
Hindi naman nito binanggit ang dahilan ng pagkamatay ng kanilang ilaw ng tahanan.
Bago naluklok sa Senado, nanilbihan muna si Aquino-Oreta bilang kongresista ng Malabon-Navotas.
Dalawang beses ito naging Assistant Majority at siya rin ang kauna-unahang babaeng naging Assistant Majority Floor Leader sa Kamara.
Si Aquino-Oreta ay nakababatang kapatid ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino III.