Dating Senador Trillanes, pinawalang sala ng QCMTC sa kasong sedition kaugnay ng “Ang Totoong Narcolist” videos

Ibinasura ng Quezon City Metropolitan Trial Court (QCMTC) ang kasong ‘conspiracy to commit sedition’ laban kay dating Senador Antonio Trillanes IV, dalawang pari at ilang iba pa dahil sa video ng “Ang Totoong Narcolist”, na kumalat online noong 2019.

Batay sa inilabas na desisyon ng QC MTC Branch 138 walang sapat na ebidensiya para madiin si Trillanes, at ang dalawang pari na sina Father Flaviano Villanueva, at Father Albert alejo at iba pa sa kasong conspiracy to commit sedition.

Binanggit din sa court decision na ang lahat ng mga testigo na iniharap ng prosekusyon ay “consistently admitted” sa mga cross-examination na wala silang personal na kaalaman sa mga insidenteng isinalaysay sa affidavit ng nasa video na si Peter Joemel alyas “Bikoy” Advincula.


Magugunita na taong 2020, naglagak ng piyansa si Trillanes ng P10,000 matapos magpalabas ng warrant of arrest ang korte laban sa kaniya at sampung iba pa.

Sila ay kinasuhan ng Department of Justice (DOJ) dahil sa pag-uugnay kay Pangulong Rodrigo Duterte at pamilya nito sa umano’y kalakaran sa iligal na droga na inilantad sa serye ng video na may titulong “Ang Totoong Narcolist”.

Facebook Comments