Dating Senate President Chiz Escudero, iginagalang ang pasya ng Senado na palitan na siya sa pwesto

Iginagalang at nauunawaan ni dating Senate President Chiz Escudero ang naging desisyon ng mga kapwa senador na palitan na siya sa pwesto.

Ayon kay Escudero, nagsisilbi siya depende sa kagustuhan ng mayorya at wala siyang sama ng loob sa naging pasya ng mga kasamahan.

Nagpasalamat din si Escudero sa mga myembro ng Senado para sa pagkakataon at tiwala sa kanya na magsilbi sa ilalim ng 19th at 20th Congress.

Binati naman ng senador si Senate President Tito Sotto III at hangad niya ang kabutihan para sa bagong liderato.

Nakahanda aniya siyang maglingkod sa ilalim ng pamunuan ni Sotto sa anumang kapasidad na kaya niyang ibigay para sa institusyon.

Ipinagmalaki naman ni Escudero na bago natapos ang araw ng kanyang panunungkulan ay na-accomplish sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon na nakapagsalita si Cong. Toby Tiangco tungkol sa mga katiwalian sa flood control projects, nabanggit din sa pagdinig ang mga pangalan nina Cong. Zaldy Co at Speaker Martin Romualdez at nalagdaan niya bago bumaba sa pwesto ang cite in contempt order laban sa dating assistant district engineer na si Brice Hernandez.

Facebook Comments