Dating Senate President Juan Ponce Enrile, tiniyak na kwalipikado si ABS-CBN Chairman Gabby Lopez III sa pagpapatakbo ng media company sa bansa

Tiniyak ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na kwalipikado si ABS-CBN Chairman Eugenio “Gabby” Lopez III sa pagmamay-ari at pagpapatakbo ng isang media company sa bansa.

Ayon kay Enrile, hindi sapat na basehan ang pagkamamamayan ni Lopez para hindi payagang i-extend ang prangkisa ng nasabing network.

Giit pa ni Enrile, nakuha ni Lopez ang kanyang Philippine at US citizenship sa pamamagitan ng parehong jus sanguinis o pagkamamamayan ng kanyang mga magulang at jus soli o pagkamamamayan sa lugar ng kanyang kapanganakan.


Matatandaang inalmahan ng mga mambabatas ang pagrenew ng prangkisa ng nasabing network dahil sa paglabag ni Lopez sa konstitusyon ng bansa kabilang na ang kuwestiyonableng pagkamamamayan nito.

Facebook Comments