Sa halip na giyera, paghahanap ng kapayapaan sa Mindanao ang dapat na pag-usapan ng Moro National Liberation Front (MNLF) at ng Pamahalaan.
Ito ang apela ni Dating Senate President Nene Pimentel kasunod ng bantang giyera ni MNLF Chairman Nur Misuari kung hindi matutupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangako nitong federalism.
Ayon sa nakatatandang Pimentel, totoong panahon pa ni Dating Pangulong Corazon Aquino nang napag-usapan ang federalism.
Pero aniya, hindi malinaw ang puno’t dulo ng proposal kung kaya’t hindi rin ito gumulong sa kongreso.
Facebook Comments