Dating Senator Bam Aquino, tatayong campaign manager ni VP Robredo

Hindi na itutuloy ni dating Senador Bam Aquino ang plano na muling kumandidato sa pagkasenador sa 2022 elections.

Sinabi ito ni Aquino makaraang maghain si Vice President Leni Robredo ng Certificate of Candidacy (COC) para tumakbo sa pagkapangulo.

Ayon kay Aquino, hiniling sa kanya ni VP Leni na maging kaniyang campaign manager sa kinakailangan ngunit napakahirap na laban.


Tiniyak naman ni Aquino na ibubuhos ang buong lakas, bitbit ang suporta at pagmamahal ng mga kababayan, upang ipanalo si VP Leni bilang pangulo.

Tiwala si Aquino na sila ay magtatagumpay sa laban.

Facebook Comments