Dating Senator Bong Revilla, naghain ng petisyon na humihiling upang mabisita nito ang kanyang ama

Manila, Philippines – Naghain ngayong si dating Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. ng petisyon na humihiling upang mabisita nito ang kanyang ama, si dating Senator Ramon Revilla Sr.

Batay sa apat na pahinang mosyon, hiniling ni Revilla sa fourth division ng anti-graft court na payagan siyang bisitahin ang kanyang ama sa Hunyo 19, mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali, at sa Hunyo 20, mula alas-2:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi.

Kasunod na rin ito ng nakatakdang treatment ng matandang Revilla para sa sakit nito sa puso sa St. Lukes Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig.


Ang 90 years old na dating senador ay kasalukuyang ginagamot dahil sa samu’t saring karamadaman.

Magugunita na kamakailan lang ay pinayagan ng korte si Revilla na bisitahin ang kanyang ama noong Disyembre 16, 28 at 29, 2017, Pebrero 7 at Marso 18.

Si Revilla ay nahaharap sa kasong plunder at graft dahil sa pagkakadawit sa pork barrel scam.

Facebook Comments