Dating senator Bongbong Marcos, muling nanguna sa pinakabagong survey sa pagkapangulo sa 2022 election

Nanguna sa pinakabagong presidential survey si dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP).

Ito ay bilang ‘most preferred presidential candidate’ sa isinagawang non-commissioned survey ng Issues and Advocacy Center (The CENTER).

Nakakuha si Bongbong ng malaking bilang ng pangsang-ayon at pipiliin ng mga botante bilang pangulo sa gaganaping halalan sa susunod na taon ang dating senator.


Sa kabuuang 2,400 respondents ng isinagawang survey mula Setyembre 27 hanggang Oktubre 9, nangunguna si Marcos na nakakuka ng 23.5%; pumangalawa si Senator Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao na may 19.75%; Manila Mayor Isko Domagoso Moreno na may 18%; Vice President Leni Robredo na nakakuha ng 14%; Sen. Panfilo Lacson na may 12.50%; Sen. Bato dela Rosa sa 7.75%; Ka Leodegario de Guzman (3.25%) at dating National Security Adviser Norberto Gonzales sa 1.25%.

Itinuturing naman ‘very significant’ ng The CENTER ang mataas na markang 23.5% rating na nakuha ni Marcos.

Matatandaang kamakailan lamang, inilabas ng PUBLiCUS Asia Inc, ang resulta ng kanilang 3rd Quarter survey kung saan nangunguna din si Marcos sa presidential candidates.

Facebook Comments