Dating Senator De Lima, iginiit na si dating PRRD ang utak ng mga extra judicial killing sa ilalim ng war on drugs

Iginiit ni dating Senator Leila de Lima na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang mastermind o utak ng umano’y extrajudicial killings (EJK) na nagyari sa ilalim ng war on drugs.

Sinabi ito ni De Lima sa kanyang pagharap sa pagdinig ukol sa EJK ng House Committee on Human Rights na pinamumunuan ni Manila 2nd District Benny Abante.

Paliwanag ni De Lima, ang drug war ay isang opisyal na programa ng administrasyong Duterte na ipinatupad sa pamamagitan ng Oplan Double Barrel na isang dokumentadong plano ng Philippine National Police.


Diin ni De Lima, ang pagpapatupad ng oplan double barrel ay isang sistematikong pag-atake sa mga sibilyan at maituturing na crime against humanity sa ilalim ng international humanitarian law.

Facebook Comments