Dating Senator De Lima, napatunayan na inosente sa mga paratang sa kanya ng dating administrasyon

Courtesy: Leila de Lima Facebook page

Ikinalugod ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman ang pagbasura ng korte sa mga kasong kinakaharap ni dating Sen. Leila de Lima na may kaugnayan sa iligal na droga.

Diin ni Lagman, sa wakas ay nakamit din ni De Lima ang hustisya at napatunayan ngayon sya ay inosente laban sa mga asunto na ibinato sa kanya ng nakaraang administrasyon.

Sabi ni Lagman, nadaig ng tapang at tatag ni De Lima ang hindi katanggap-tanggap na mga malisyosong paghusga sa kanya.


Gayunpaman, hindi maiaalis para kay Lagman na ang atrasado o napakatagal na pagbibigay ng hustisya ay totoong sumisira sa rule of law.

Facebook Comments