Dating Senator Juan Ponce Enrile, tinawanan lang ang lumabas na balitang sumakabilang buhay na raw siya

Manila, Philippines – Ikinagulat ngayon ni dating Senate President Juan Ponce Enrile ang lumabas na balita sa isang pahayagan noong Oktubre 26 na siya daw ay patay na.

Sa video na-ipost ng blogger na si Leslie Bocobo, mismong si Enrile ay hindi makapaniwala sa nasabing fake news kung saan maging ang malalapit sa kaniya ay tumawag pa para siya ay kamustahin.

At bilang patunay ay binasa pa ni Enrile ang pahayagan na siyang naglabas ng balita.


Tinawanan lang din ni Enrile ang balita at pinasalamatan pa ang naglabas nito.

Facebook Comments