Dating Senator JV Ejercito, tatakbo muli sa pagkasenador

39

Tatakbo muli si dating Senator JV Ejercito sa pagkasenador sa 2022 elections.

Pangunahing layunin ng pagkandidato ni Ejercito ang maipagpatuloy ang kaniyang adhikain para sa ating health care system para sa susunod pang pandemya.


Bukod dito ay nais din ni Ejercito ang kaniyang adbokasiya para sa infrastructure development lalo na sa pagtatag ng modern public transportation tulad ng efficient railway system.

Naging senador si Ejercito mula 2013 hanggang 2019 at bago ito ay naging mayor at congressman din siya ng San Juan City.

Kaugnay nito ay nagpapasalamat si Ejercito sa kaniyang partido na Nationalist People’s Coalition o NPC sa pamumuno ni Senate President Tito Sotto III sa pagsama sa kaniya sa senatorial ticket.

Facebook Comments