Dating Senator Leila de Lima, dumating sa pagdinig ng Quad Committee sa EJK

Dumating sa People’s center sa House of Representatives si dating Sen. Leila de Lima.

Ayon kay De Lima, naimbitimahan siyang resource person para sa paksa ng EJK sa pagpapatuloy ng pagdinig ngayong araw ng Quad Committee.

Napadalhan ng imbitasyon si dating Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa pagdinig pero ayon sa legal counsel nito, hindi makadadalo sa pagdinig ang dating pangulo dahil masama ang kaniyang pakiramdam.


Nang tanungin naman ng media si De Lima kung inaasahan ba niyang magkakaharap sila ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ng dating senadora na umaasa siya na mabilis na bumuti ang kondisyon ng kalusugan ni Duterte upang makadalo na siya sa pagdinig at masagot ang mga akusasyon sa kaniya.

Facebook Comments