Dating Senator Nene Pimentel, huwag idamay sa bangayan ng partidong PDP-Laban

Umapela si Deputy Speaker at Buhay Partylist Rep. Lito Atienza sa mga opisyal na sangkot sa iringan sa partidong PDP-Laban na huwag kaladkarin sa isyu ng pulitika si dating Senator Aquilino “Nene” Pimentel Jr.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na “father and son” lang ang PDP-Laban matapos na magkabanggaan din sa Pacquiao – Cusi faction si Senator Koko Pimentel at 100 taon natulog ang partido kung hindi dahil sa kanya na dinala ng PDP-Laban noong 2016 election.

Si dating Senator Nene Pimentel naman ang bumuo at naging pangulo ng PDP-Laban.


Giit ni Atienza, hindi na dapat idamay sa “power struggle” ng partido ang dating senador.

Aniya, kilala niya noon pa si Senator Nene na kabilang sa 60 opposition members sa Batasang Pambansa na lumaban sa diktaturyang Rehimeng Marcos.

Isa aniya si Senator Nene sa pinakatotoong tao at tunay na makabayan dahil hindi ito nagalala sa sariling kaligtasan ng kontrahin nito ang dictatorial leadership ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Nararapat lamang aniya na bigyan ng paggalang ang alaala at kasaysayang iniwan ng dating butihing senador.

Facebook Comments